Piyudalismo
Ang Piyudalismo o Feudalism ay isang
sistemang politikal, militar at sosyo-ekonomiks sa Kanlurang Europe noong
Panahon ng Medieval. Sa panahong ito, nangangailangan ng proteksiyon ang mga
tao kaya't ang sistemang piyudalismo ang nakitang tugon sa mga natukoy na
pangangailangan. Ang Piyudalismo ay isang ugnayan ng mga Hari, Lord o
Panginoon, at Basalyo o Vassal. Ang fief ay ang lupa na ipinagkaloob ng hari na
tinatanggap ng Basalyo. Pinagkakalooban ng Hari ang Lord ng fief kapalit ng
serbisyo at proteksiyon. Ang Lord naman ay pinagkakalooban ng fief ang Basalyo
kapalit din ng proteksiyon.
Para sa akin,
ang Piyudalismo ay naging malaking tulong sa mga tao sa Gitnang Panahon. Dahil
sa panahong ito ay nanaig ang kaguluhan , nabalutan ng kawalan ng katarungan at
proteksiyon ang lipunan, ngunit ito ang naging daan upang ang mga tao ay muling
maproteksiyonan. Marami akong mga bagong natutunan o nalaman na tungkol sa
buhay sa Europe noong Gitnang Panahon. Nakita ko rin kung paano nila natulungan
ang bawat isa sa pamamagitan ng
pagpapalitan. May magandang naidudulot ang pagpapalitan ng dalawang tao sa
isa’t-isa. Sa mga panahong ito, ang bawat isa nalang ang maaari ilang hingan ng tulong at tulungan sa pamamagitan ng pagtproteksiyon sa bawat isa.