Huwebes, Disyembre 14, 2017

PIYUDALISMO

Piyudalismo


                                  Ang Piyudalismo o Feudalism ay isang sistemang politikal, militar at sosyo-ekonomiks sa Kanlurang Europe noong Panahon ng Medieval. Sa panahong ito, nangangailangan ng proteksiyon ang mga tao kaya't ang sistemang piyudalismo ang nakitang tugon sa mga natukoy na pangangailangan. Ang Piyudalismo ay isang ugnayan ng mga Hari, Lord o Panginoon, at Basalyo o Vassal. Ang fief ay ang lupa na ipinagkaloob ng hari na tinatanggap ng Basalyo. Pinagkakalooban ng Hari ang Lord ng fief kapalit ng serbisyo at proteksiyon. Ang Lord naman ay pinagkakalooban ng fief ang Basalyo kapalit din ng proteksiyon.




                                  Para sa akin, ang Piyudalismo ay naging malaking tulong sa mga tao sa Gitnang Panahon. Dahil sa panahong ito ay nanaig ang kaguluhan , nabalutan ng kawalan ng katarungan at proteksiyon ang lipunan, ngunit ito ang naging daan upang ang mga tao ay muling maproteksiyonan. Marami akong mga bagong natutunan o nalaman na tungkol sa buhay sa Europe noong Gitnang Panahon. Nakita ko rin kung paano nila natulungan ang bawat isa sa pamamagitan ng  pagpapalitan. May magandang naidudulot ang pagpapalitan ng dalawang tao sa isa’t-isa. Sa mga panahong ito, ang bawat isa nalang ang maaari ilang hingan ng tulong at tulungan sa pamamagitan ng pagtproteksiyon sa bawat isa.

1 komento: